About Me

My photo
wala ng hihigit pa sa pagiging ako i'm proud to be me and and sa lahat ng gustong mag husga sa pag katao ko iba ako sa mga inaakala nyo alam ko may bahid ako ng kasalanan pero sa kasalanan na un dun nakatatak ang tunay na pag katao ko salamat.... Fiat Voluntas Tua..... totus Tuus Et Omnia mia Tua AMEN

Thursday, September 24, 2009

PILOSOPIYA NG AKING BUHAY!!




nagtanong ka na ba kung bakit ka nabuhay sa mundo? marahil oo marahil hindi, hindi kapag wala kang pakialam sa mundo mo. sandali lang ang buhay natin, pagdaka’y lilitaw mamaya maglalaho. pero san nga ba patungo kapag naglaho na? sabi ng iba, sa lupa, sa sementeryo, sa impyerno, sa langit, o basta wala lang. subalit nakapagtataka san nga ba napupunta ang kaluluwa ng mga namatay na… eto ang pilosopiya ko…(walang tututol, ang tumutol gumawa ng sarili niya).

ang buhay ay binigay ng Dios, tayo ay kanyang nilikha. kaya nga mahalaga ang buhay at dapat itong pahalagahan, dahil ito ay mula sa Dios. ang sinumang nagpapahalaga ng buhay ay nagpapahalaga sa Dios na nagbibigay ng buhay. mahalaga ang buhay dahil ito ay sandali lang. dapat pahalagahan ang bawat oportunidad sa buhay. sa kabilang banda, sa pagiging mahalaga ng buhay, ito ay may hangganan at san ka patutungo kapag dumating ka na sa hangganan ng buhay mo dito sa daigdig? may dalawang patutunguhan, langit o impyerno… mamili ka.san mo gusto? sa impyerno…magpakasama ka! sa langit… magpakabait k??? tama b? hindi pagpapakabait ang secreto sa pagpunta sa langit, itoy sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang relasyon sa Dios. ang Dios ang may likha ng langit kaya dapat magkaroon ng tamang relasyon sa kanya.. ito ay sa pamamagitan ng pagtanggap at pananampalataya kay Hesu Kristo bilang Anak ng Dios. dahil ang sinumang tumanggap at sumampalataya kay Hesu Kristo ay binigyan ng karapatang maging mga anak ng Dios, ang kahulugan ng pagiging anak ay pagiging tagapagmana sa Ama at ang Ama ay Dios. kung magkagayon, mamanahin natin ang langit kung sasampalataya tayo kay Hesu Kristo, dahil ang sinumang sumampalataya ay hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan hindi dito sa lupa kundi sa langit.

mahalaga ang buhay mo? pero pinahahalagahan mo ba? kung pinahahalagahan mo, tanggapin mo sa puso mo ang Panginoong Hesu Kristo bilang Dios, Panginoon, at sariling Tagapagligtas! Amen..

No comments: